Partner in crime:Mag-asawang holdaper, timbog

MANILA, Philippines - Isang mag-asawa na sinasabing hindi lang partner sa buhay kundi partner din in crime ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya bago pa man sila muling makapang­holdap ng taxi driver sa lung­sod Quezon.

Nahulog na rin sa kamay ng mga awtoridad ang ma­tagal nang pinaghahanap na mag-asawang partner in crime na nakilalang sina Ro­nald Oc­ tavio, 31, at Be­linda, 34.

Nadakip ang mag-asawa kamakalawa ng gabi sa Con­gressional Avenue sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Ayon kay Supt. Marcelino Pedrozo Jr., ng QCPD-DPIOU na ang mag-asawa ay kapwa nakumpiskahan ng mga kut­silyo matapos ma­aresto.

“Notorious ang mga ito kaya nga kabilang sila sa aming COPLAN (case ope­ration plan).

Nabatid na ilang taon na rin ganito ang modus operandi ng mag-asawa ang magkun­waring mga pasaheo ng taxi at pagkatapos ay kanilang ho­holdapin. Kadalasan namimili pa ang mag-asawa, yung may ka­­tandaan na at hindi na kayang lumaban ang kanilang binibiktima.

Isa sa naging biktima ng mga ito ay ang 69-anyos na si Domingo Aguilar Jr. na positibong kumilala sa mag-asawa na siyang sumakay sa kanyang minamanehong taxi at hindi nagtagal ay tinutukan siya ng patalim saka hinoldap.

Matapos maaresto inamin naman ng mag-asawa na sangkot nga sila sa pangho­holdap at nagawa lamang nila ito dahil sa kapwa sila walang mahanap na trabaho para masuportahan ang kanilang tatlong anak. (Dagdag ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments