Biyuda ninakawan na, pinatay pa

MANILA, Philippines - Isang biyuda ang pina­tay muna sa saksak bago pinagnakawan ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot san­hi ng mga saksak sa kata­wan si Teresita Tamayo, ng Tagaytay St., ng lungsod na ito. Mabilis namang nag­sitakas ang mga sala­rin matapos ang krimen.

Sa inisyal na imbesti­gasyon ng pulisya, alas-4 ng umaga, umuwi sa ka­nilang bahay ang anak ng biktima na si Larry at doon nakita na duguang naka­han­dusay ang kanyang ina.       

Lumalabas na nawa­wala ang mahigit sa P20,000 pera ng biktima na tinangay ng mga hindi pa nakikilalang mga sus­pek. (Lordeth Bonilla)

Show comments