^

Metro

Birthday boy todas sa parak

-

MANILA, Philippines - Kamatayan ang naging regalo ng isang pulis sa isang binata na nagse-celebrate ng kanyang kaarawan matapos na siya’y pagbabarilin dahil sa tangkang pagsaklolo sa kanyang kuya na ginugulpi umano ng una sa lungsod Quezon kama­kalawa.

Nasawi dahil sa dami ng tama ng bala sa katawan ang biktimang si Jeffrey De­tubio, 25, binata, staff ng barangay at residente ng Masbate St., Bago Bantay sa lungsod. Natukoy naman ang suspek na si PO2 John-Jhon Soriano, nakatalaga sa mobile patrol unit ng Police Station 2 ng QCPD at residente sa Balayan St., Brgy. Alicia sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa may pagitan ng Nueva Ecija at Masbate St., sa lungsod ganap na alas- 10:30 ng gabi. Bago nito, nagdiriwang ng kanyang kaarawan ang biktima, kasama ang naka­ta­tandang kapatid na si Jonathan at ilang kaibigan. Dahil marami ang bisita at kulang sa upuan, nagpasya si Jonathan na umalis para kumuha pa ng bangko gamit ang motorsiklo.

Ilang minuto ang lumipas, bumalik si Jonathan at nagsumbong na ginulpi umano siya sa barangay hall matapos bit­bitin ng suspek dahil sa nakabanggaan niya sa motorsiklo. Dahil dito, nagpasya ang biktma na pumunta sa barangay hall kasama ang grupo, ngunit hindi na inabu­tan ang suspek kung kaya kinuha na lang nila ang motorsiklo at saka bumalik sa kanilang bahay.

Pagsapit dito ay itinuloy nila ang sele­brasyon hanggang sa magpasyang umihi ni Jonathan sa pader. Habang umiihi ay su­mulpot ang suspek at hinatak si Jona­than sanhi upang saklolohan ng biktima na ikinagalit nito at pagbabarilin sa ka­tawan ang birthday celebrant. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

BAGO BANTAY

BALAYAN ST.

DAHIL

JEFFREY DE

JOHN-JHON SORIANO

MASBATE ST.

NUEVA ECIJA

POLICE STATION

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with