4 sa gang-rape, timbog

MANILA, Philippines - Arestado ang apat na kalalakihan at isang babae matapos na positibong ituro ng 16-anyos na dalagita na kanilang ginang-rape noong Lunes sa Maynila kung saan nahawaan pa ito ng sakit na gonorrhea o sexually transmitted disease (STD).

Sa harap ni Manila Mayor Alfredo Lim, lumuluhang itinuro ng biktima ang mga suspect na sina Patrick Broso, 26, ng Natividad St., Sta. Cruz, Maynila kasama ang tatlong menor-de-edad pang mga kabataan at isa pang babae na sinasabing barkada ng biktima.

Batay sa report, naganap ang insidente dakong alas-12 ng tanghali noong Oktubre 19 matapos na maglayas ang biktima noong Oktubre 18 nang mapagalitan ng kanyang nanay. Sumama ang biktima sa kaibigan nitong babae kung saan dinala naman ito sa bahay ng isa sa  mga suspect. Dito ay naabutan ng biktima at suspect na babae na nag-iinuman ang grupo at saka niyayang uminom ang una.

Hindi nagtagal nakaramdam ng pagkahilo ang biktima at doon na siya sinimulang palitang hinalay ng mga suspect na kinunan pa ng video. Bukod dito sinabi pa ng ina ng biktima na pinasakan pa ng bote ng mountain dew ang ari ng kanyang anak na posibleng dahilan ng pananakit nito hanggang ngayon. Kaugnay nito, isang man­hunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya laban sa dalawa pang suspect na nakilalang sina Jerry Mc Guire at Christian Bautista. (Doris Franche)

Show comments