Kasong kriminal vs Hayden Kho, tuloy
MANILA, Philippines - Ipinasusulong na ng Department of Justice (DOJ) sa korte ang kasong kriminal laban kay Dr. Hayden Kho kaugnay sa kontrobersyal na video scandal nila ng aktres na si Katrina Halili.
Batay sa 24 na pahinang resolution ng DOJ, ay nakitaan ng probable cause para sampahan ng kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 si Kho.
Ibinasura naman ng DOJ ang reklamo laban kina Dra. Vicky Belo, Erick Johnston Chua, Dr. Herbert Rosario, at Princess Marie Velasco. Kasabay nito ay inatasan naman ng DOJ ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsa gawa pa ng karagdagang imbestigasyon para sa iba pang maaaring naging paglabag nina Kho, Belo, Chua, Rosario, Velasco at iba pa.
Magugunita na inireklamo ni Halili si Kho at iba pang nabanggit dahil sa pag kuha nito ng video ng kanilang mga pribadong aktibidad nang walang pahintulot ng aktres. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending