Holdaper ng nurse, kinasuhan

MANILA, Philippines - Isinailalim na sa in­quest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office sa kasong robbery with homicide ang isa sa dala­wang suspek na naging dahilan ng pagkamatay ng 24-anyos na nurse, sa España,Sampaloc, May­nila, noong Martes ng gabi.

Walang piyansang ini­rekomenda ang piskalya para sa suspek na si Stan­ley Buenamer, 27, mi­yem­bro ng “Bahala na Gang” at residente ng Mon­tana St., Sampaloc. Mariin uma­nong iti­nanggi ng suspek na sina­pak niya ang bik­tima su­balit umamin na itinulak niya si Ferrarie Tan, binata, empleyado ng Os­pital ng Makati, at resi­dente ng B.M.A. Ave., Brgy. Ta­ talon, Quezon City upang hindi umano maka­habol sa kanila ng isa pang suspek na si Jerome Lambada.

Nabatid na si Lambada naman ay nasa kostudiya pa ng Laloma Police Sta­tion, (QCPD-station 1) nang masakote nila ito habang tinutugis din ng mga tauhan ng Manila Traffic and Park­ing Bureau (MTPB).

Una nang napaulat ang nasabing holdapan kung saan inagawan ng dala­wang plastic bag ang bik­tima at iba pang pasahero subalit hinabol umano ng biktima ang mga suspek at nang sumabit sa jeep ay si­napak ito ng suspect kaya bumagsak ng pa­dapa sa kalye hanggang sa masa­gasaan ng papa­ra­­ting na jeep. (Ludy Bermudo)

Show comments