Pahinante na-'sandwich' ng 2 truck, todas

MANILA, Philippines - Patay ang isang truck helper makaraang maipit ito sa nagbundulang dalawang truck habang ang una ay nagtutulak ng isa sa mga na­banggit na sasakyan na tumirik sa kalsada ng Com­mon­wealth Avenue sa lung­sod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Roger Jacob, resi­dente sa Brgy. Bagong Silangan sa lungsod. Nadakip naman ang driver ng truck na si Ruben Marayan, 35, na na­haharap sa kasong reck­less imprudence re­sulting in homicide and damage to property.

Ayon sa ulat, dead-on- the-spot ang biktima sa na­sabing lugar dahil sa ma­tinding pinsalang na­tamo ng katawan nito.

Nangyari ang insi­dente ganap na alas-3 ng mada­ling-araw sa may Common­wealth Avenue harap ng St. Peter Parish. Minamaneho ni Ma­rayan ang Fuso dump truck na may plakang RJA-331 nang bundulin nito ang isang Mitsubishi Canter (TPV-945) na itinutulak ni Jacob matapos na ma­siraan. Habang itinutulak ng biktima ang Canter ay bigla namang sumulpot ang truck ni Marayan at binundol ito dahilan upang tamaan si Jacob at maipit na siyang agad na ikinasawi nito.

Isinisi naman sa ma­dilim na bahagi ng Com­monwealth Avenue kung kaya hindi namalayan ni Marayan na may naka­hin­tong truck dito kung kaya siya nagtuluy-tuloy.

Show comments