^

Metro

2 bagets na holdaper, tiklo

-

MANILA, Philippines - Dalawang holdaper ang naaresto ng mga awtoridad ilang minuto makaraang bikti­mahin ang isang negosyan­teng Indian national sa lung­sod Quezon.

Kinilala ni Chief Supt. Elmo San Diego, director ng Que­zon City Police District (QCPD) ang mga suspek na sina Marvin Pancho de Guzman, 19; at Macmac Tumpang Pablo, 19. Ayon kay San Diego, na­dakip ang mga sus­pek maka­raang holdapin ng mga ito ang biktimang si Baldev Singh, 36, ng Basilio St., Sampaloc, Manila.

Nangyari ang insidente sa   Brgy. N.S. Amoranto sa La Loma, ganap na alas-5 ng hapon. Sinasabing sakay ng isang Honda XRM-125 motor­­cycle (4472-FF), ang biktima nang harangin ito ng tatlong kalalakihan at holdapin.

Matapos nito agad na si­namsam ng mga suspek ang dalang P4,000, Nokia cellular phone ng biktima, kung saan hindi pa nasiyahan ay tina­ngay pa ng mga ito ang motor­siklo na siyang ginamit nilang get-away.

Kasalukuyan namang nag­papatrulya ang Mobile Patrol Unit QC-134, sa na­sabing barangay at nakita ang isang lalaking humaha­ngos na humihingi ng tulong ka­­ugnay sa naganap na pang­­ho­holdap, dahilan upang saklo­lohan nila ito.

Nagkaroon ng maikling habulan, hanggang sa ma­korner ang mga suspek sa Roose­velt Avenue corner Dangay Street, Project 7 at ma­aresto ang dalawa sa mga suspek, habang ang nagsil­bing driver ng mga ito ay naka­takas.

Nasamsam sa kanila ang isang kalibre 38 baril at pa­talim, ngunit ang motorsiklo at pera ng biktima ay nata­ngay ng isa sa mga suspek. (Ricky Tulipat)

BALDEV SINGH

BASILIO ST.

CHIEF SUPT

CITY POLICE DISTRICT

DANGAY STREET

ELMO SAN DIEGO

LA LOMA

MACMAC TUMPANG PABLO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with