Secretary Reyes ipapatawag ng korte
MANILA, Philippines - Ipapatawag ng korte si Energy Secretary Angelito Reyes upang magsilbing witness para sa mosyon ng issuance of a temporary restraint and writ of preliminary injunction para mapigil ang patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo ng big three oil players.
Ayon kay Manila Regional Trial Court, Branch 26 Judge Silvino Pampilo Jr., si Reyes ay nauna nang nagpahayag ng kanyang intensiyon na magsilbing witness kung ito ay ipapatawag ng korte.
“We will oblige him and issue a subpoena for him as a resource witness,” ayon kay Pampilo.“As the secretary of the Department of Energy, he is in the best position to explain those things to the court,” dagdag pa ni Pampilo.
Ayon pa kay Pampilo, sakali umanong hindi ire-request ng abogado ng Big 3 si Reyes na tetestigo, ang korte umano ang mag-initiate upang ipatawag ito. Inaasahang magpapalabas ng subpoena ang korte para kay Reyes sa pagdinig sa Nobyembre 10, alas-8:30 ng umaga. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending