^

Metro

2 senglot patay sa motorsiklo

-

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang nasawi, habang isa pa ang sugatan makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa gilid ng isang tulay nang mawalan   ng kontrol dahil sa sobrang kalasingan, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Kapwa naisugod pa sa pagamutan ang mga biktimang sina   Elmer Bello at Rogelio Beronia Jr. ngunit kapwa hindi na umabot ng buhay. Masuwerte namang nagtamo lamang ng mga sugat at galos sa katawan ang ikatlong sakay ng motor­siklo na si Eddie Beronia, kapatid ni Rogelio. Kasalukuyang nagpapagamot ito sa Las Piñas District Hospital.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11:15 ng gabi sa kahabaan ng C-5 Extension sa Sucat kung saan sakay ang mga biktima ng isang motorsiklong Honda (PL-2831) na minamaneho ni Bello.

Sa pahayag ng nakaligtas na si Beronia, galing silang tatlo sa isang inuman at nang makarami ay nagpasyang umuwi sakay ng motorsiklo sa kabila na pare-pareho silang lango na sa alak at wala pang mga helmet.

Naging napakabilis umano ng pagpapatakbo ni Bello sa motorsiklo hanggang sa mawalan ng kontrol dahil sa madulas na kalsada at dire-diretsong sumalpok sa barandilya ng isang tulay sa may C-5 extension. (Danilo Garcia)

BERONIA

DALAWANG

DANILO GARCIA

DISTRICT HOSPITAL

EDDIE BERONIA

ELMER BELLO

KAPWA

KASALUKUYANG

LAS PI

ROGELIO BERONIA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with