^

Metro

DOH nagbabala sa mga recycled na kendi

-

MANILA, Philippines - Nagbabala sa publiko ang Department of Health (DOH) laban sa pagbili ng ‘recycled’ kendi at iba pang kauri nito na ibinebenta ng baratilyo o por kilo dahil sa posibi­lidad na makasama ito ng kalusugan.

Ito ang naging reak­syon ni Health Secretary Francisco Duque III sa na­­paulat na pagre-recycle ng isang junkshop sa Capu­long St., Tondo, Maynila nang santambak na kendi, na sinasabing galing sa mga binahang malls at mga super­market sa pana­nalasa nina Ondoy at Pepeng.

Nabatid sa ulat na ang sinalakay na bodega ng isang junk shop ay puma­pakyaw ng iba’t ibang uri ng kendi mula sa binahang mga tinda­han. Doon umano ito mu­ling nililinis at nire-repack bago ibine­benta por kilo sa murang halaga sa wet market o sidewalk.

 Mas malaki umano ang posibilidad na hindi na ligtas kainin ang mga kendi dahil pawang puti­kan at ilang araw na nalub­lob sa tubig-baha. Kung kontami­nado na umano ng bak­terya at mikrobyo ay po­sibleng makakuha ng sakit tulad ng diarrhea. (Ludy Ber­mudo at Doris Franche)

CAPU

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIS FRANCHE

HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE

LUDY BER

MAYNILA

NABATID

NAGBABALA

ONDOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with