Que­zon City shootout: 3 todas

MANILA, Philippines - Tatlong holdaper ang namatay habang 2 pa sa mga suspek ang nakatakas matapos na makipagbarilan sa mga awtoridad maka­raang mangholdap sa isang pampasaherong jeep kamakalawa sa Que­zon City.

Dead-on-arrival sa Orthopedic Hospital ang isa sa mga suspek na si Marvin John de Leon, 24, at residente ng Hermosa St. Brgy. Manuguit, Tondo, Ma­nila­.

Dead-on-the-spot naman ang dalawang suspek na hindi napa­ngalanan na ang una ay may edad 25-30, may taas na 5’6’’,naka-short pants, asul na t-shirt, may tattoo sa likod na “Pilipinas, Pili­pino’t Pinas”at naka-puting sombrero, ha­bang ang isa naman ay nasa 25-35 anyos, may taas na 5’5’’, ka­tam­taman ang panga­nga­­ta­wan, naka-t-shirt ng puti at naka-maong short pants.

Dalawa pang kasa­mahan ng mga ito ay nakatakas na siya nga­yong target ng operas­yon ng pulisya.

Ayon sa ulat ng pu­lisya, naganap ang shoot­out dakong alas-11:30 ng gabi sa CDC St., malapit sa Malaya St., Brgy. Amoranto ng nasabing lungsod.

Sinasabing bago ito ay sumakay muna ang tatlong suspek sa pam­pasaherong jeep na may biyaheng Muñoz-Edsa.

Pagsapit sa kanto ng Bonifacio Avenue at Mariveles St. ay saka nagdeklara ang mga suspek ng holdap at doon hinakot ang ma­ha­­halagang gamit ng mga biktimang pa­sahero.

Matapos makuha ng tatlo ang pakay nila sa mga biktima, bu­maba ang mga sus­pek sa naturang dyip at saka sumakay ang mga ito sa isang tricycle na lulan naman ng dalawa pang sus­pek­.

Nagkataon namang naispatan ng mga elemento ng La Loma Police station na nag­papatrulya sa naturang lugar , ang naganap na insidente kaya’t nila­pitan ang mga ito ng mga pulis. Dito na nag­karoon ng running gunbattle na naging dahilan para mabaril ang tatlo sa mga sus­pek habang nakatakas naman ang dalawa pa.

Ang kasong ito ay patuloy na iniimbesti­gahan ng pulisya.

Show comments