QueÂzon City shootout: 3 todas
MANILA, Philippines - Tatlong holdaper ang namatay habang 2 pa sa mga suspek ang nakatakas matapos na makipagbarilan sa mga awtoridad makaraang mangholdap sa isang pampasaherong jeep kamakalawa sa Quezon City.
Dead-on-arrival sa Orthopedic Hospital ang isa sa mga suspek na si Marvin John de Leon, 24, at residente ng Hermosa St. Brgy. Manuguit, Tondo, Manila.
Dead-on-the-spot naman ang dalawang suspek na hindi napangalanan na ang una ay may edad 25-30, may taas na 5’6’’,naka-short pants, asul na t-shirt, may tattoo sa likod na “Pilipinas, Pilipino’t Pinas”at naka-puting sombrero, habang ang isa naman ay nasa 25-35 anyos, may taas na 5’5’’, katamtaman ang pangangatawan, naka-t-shirt ng puti at naka-maong short pants.
Dalawa pang kasamahan ng mga ito ay nakatakas na siya ngayong target ng operasyon ng pulisya.
Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang shootout dakong alas-11:30 ng gabi sa CDC St., malapit sa Malaya St., Brgy. Amoranto ng nasabing lungsod.
Sinasabing bago ito ay sumakay muna ang tatlong suspek sa pampasaherong jeep na may biyaheng Muñoz-Edsa.
Pagsapit sa kanto ng Bonifacio Avenue at Mariveles St. ay saka nagdeklara ang mga suspek ng holdap at doon hinakot ang mahahalagang gamit ng mga biktimang pasahero.
Matapos makuha ng tatlo ang pakay nila sa mga biktima, bumaba ang mga suspek sa naturang dyip at saka sumakay ang mga ito sa isang tricycle na lulan naman ng dalawa pang suspek.
Nagkataon namang naispatan ng mga elemento ng La Loma Police station na nagpapatrulya sa naturang lugar , ang naganap na insidente kaya’t nilapitan ang mga ito ng mga pulis. Dito na nagkaroon ng running gunbattle na naging dahilan para mabaril ang tatlo sa mga suspek habang nakatakas naman ang dalawa pa.
Ang kasong ito ay patuloy na iniimbestigahan ng pulisya.
- Latest
- Trending