Bank employee lumundag mula 23rd floor, lasog

MANILA, Philippines - Palaisipan sa mga aw­to­ridad kung sinadya bang magpatiwakal o may nag­tulak sa isang 27-anyos na lalaking empleyado ng bangko makaraang mahu­log ito buhat sa ika-23 pa­lapag ng isang gusali, ka­hapon ng umaga sa Makati City.

Basag ang bungo at nagkalasug-lasog ang ka­tawan ng biktimang nakila­lang si Emmanuel Ventura,   residente ng   Road 3 Proj. 6, Quezon City.   

Sa inisyal na ulat, da­kong alas-9 ng umaga nang magtungo sa Prince Plaza II Condominium si Ven­tura at diretsong puma­sok sa Room 128 saka umakyat sa penthouse ng gusali na nasa ika-23 palapag.

Nagulat na lamang ang mga tenants at bisita ng condo building nang big­lang tumalon ang biktima na agad na nasawi maka­ra­ang bumagsak sa se­mento sa ibaba ng gusali.       

Palaisipan naman sa pulisya kung sadyang tu­malon, nalaglag o may nag­tulak sa biktima dahil sa wala silang makuhang matibay na saksi na maka­pagbibigay-linaw sa insi­dente. Wala rin namang na­kuhang suicide note na mag­ kukumpirma sana kung sadyang nagpatiwakal ito. (Danilo Garcia)

Show comments