^

Metro

Matapos paulit-ulit masagasaan, Lalaki naging 'giniling'

-

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na ka­ma­tayan ang inabot ng isang hindi pa nakikilalang lalaki makaraang paulit-ulit na masagasaan ng iba’t ibang uri ng sasakyan sa isang madilim na bahagi ng service road ng South Luzon Expressway sa Para­ñaque City kahapon ng madaling-araw.

Halos magkapira-pi­raso at nagmistulang gini­ling ang katawan at nabura na ang mukha ng biktima dahil sa dami ng gulong na du­maan sa katawan nito at hindi umano nakita ng mga driver dulot ng sob­rang dilim sa naturang bahagi ng kalsada.      

Tanging ang de-go­mang sapatos lamang ang naging basehan ng mga awtoridad upang ideklara itong isang lalaki.

Ayon sa ulat, dakong ala-1:30 nang may tuma­wag sa kanilang residente ng East Service Road ng SLEX sa Brgy. San Martin de Porres, ng naturang lung­sod ukol sa isang na­diskubreng bang­kay ng lalaki.

Una umanong inakala ng mga residente na bik­tima ng “summary execu­tion” ang nakitang katawan na nakahandusay sa gitna ng kalsada ngunit nang inspeksyunin ng mga awto­ridad ay nadiskubreng biktima ito ng “hit-and-run” ng maraming sasakyan.

Teorya ng pulisya, hindi napansin ng mga moto­rista ang biktima kaya na­bangga ito at dahil sa may kadili­man kaya’t ang naka­higa nang biktima ay pa­ulit-ulit itong nasagasaan.

Sinisisi naman ng mga residente ang pamahala­ang lokal ng Parañaque dahil sa hindi paglalagay ng sapat na ilaw sa natu­rang kalsada na napaka­taas na ang antas ng aksi­dente at pinamumugaran rin ng mga holdaper.

Dis­yembre 2008 pa uma­no itinayo ang mga poste ng ilaw ngunit hindi naman gumagana at hindi inaasi­kaso ni Mayor Flo­rencio Bernabe. (Danilo Garcia)

AYON

BERNABE

DANILO GARCIA

EAST SERVICE ROAD

MAYOR FLO

SAN MARTIN

SHY

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with