MANILA, Philippines - Dahil sa pag-aakalang siya ang naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang lola, tumungga ng lason ang isang binata na naging da hilan ng kamatayan nito sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City kamakalawa.
Nakilala ang nasawi na si Jason Haplit, 20, ng Dalagang Bukid St., Brgy. Longos ng lungsod na ito.
Sa pahayag ng nobya ng biktima na si Shermay, 17, alas-5:00 ng hapon, binisita niya ang nobyo subalit pagpasok sa bahay nila Jason ay nakita nito ang huli na namimilipit at bumubula ang bibig.
Agad na humingi ng tulong ang dalagita na madala sa ospital ang biktima subalit hindi na rin ito naisalba ng mga doctor dahil sa ininom na silver cleaning solution.
Ayon pa kay Shermay, madalas na sinisisi ng bik tima ang sarili dahil nakukunsensiya ito sa pagkamatay ng lolang si Dominga noong nakalipas na February, 2009 dahil sa stroke.
Hindi naman direktang sinasabi ng biktima kay Shermay kung ano talaga ang naging kasalanan ni Haplit sa lola nito na nagpalaki at nagpaaral sa binata.
Patuloy pa ring iniimbestigahan ang nabanggit na kaso. (Lordeth Bonilla)