Tone toneladang basura, sinabuyan ng disinfectant

MANILA, Philippines - Iniulat kahapon ng Met­ro­politan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) ang pag­sa­sabog nila ng mga “disinfectant” na ke­mikal sa tone-toneladang ba­sura na na­kalap sa ka­nilang paglilinis upang agad na makontra ang pinanga­ngambahang pag­putok ng mga karam­da­man sa mga lugar na tinamaan ng pag­babaha.

Sa ulat ng Solid Waste Management Office ng MMDA, noon pang naka­ra­­ang linggo nila inumpi­sahan ang pagsasabog ng dis­infectants sa mga nako­kolekta nilang basura sa Marikina at isasagawa rin ito sa Pasig at Taguig. Bumili ang ahen­sya ng siyam na “knapsack spray­ers” na may lamang kemikal na “Plantex” na umano’y walang masa­mang epekto sa ka­lusugan dahil sa “non-toxic” at na­ka­­ka­pag­pabilis sa pagbu­bulok ng mga basura. Uma­­abot na umano sa 900 litrong dis­infectant ang kanilang nagamit.

Una na nilang nasakop sa operasyon ang mga Brgy. Sta. Ana, Calzada, Ibayo at Ligid sa Taguig City at mga pansaman­ta­lang “dumpsite” sa Mang­gahan Flood­way at mga basura sa Brgy. Santolan sa Pasig City. Na-disinfect na rin ang mga pan­samantalang dump­sites sa Sumulong at Balugad sa Marikina City, maging ang mga nakata­bing basura sa mga Brgy. San Roque, Nangka, Sto. Niño at Malanday. (Danilo Garcia)

Show comments