^

Metro

'Acts of God' sa comprehensive policy ok sa Standard Insurance

-

MANILA, Philippines - Iminungkahi ni Stan­dard Insurance Inc., Exe­cutive Officer Ernesto “Judes” Echauz na isama sa coverage ng compre­hensive insurance policy ang “Acts of God” sa property policies, lalo na sa mga sasakyan na napin­sala ng baha at iba pang kalamidad.

Ayon kay Echauz, sa ibang bansa, ang compre­hensive insurance policy ay sumasakop sa lahat ng contingencies at walang binabanggit na hindi ma­aaring masaklaw ang AOG.

Ayon naman sa In­surance Association of the Philippines, umabot na sa P1 bilyon ang motor claims noong bagyong Ondoy pa lamang. May 8,000 sa­sakyan ang covered ng insurance claims.

Dahil dito’y, inatasan ni Pangulong Gloria Arroyo si Trade Secretary Peter Favila na makipagkoordi­nasyon sa mga car repair shops at towing compa­nies dahil sa pagtaas ng singil para sa towing at repair ng mga sasakyan na lumubog sa baha.

Samantala, tinyak pa ni Echauz sa mga kliyente nila na mas magiging mabillis ang pag-aayos nila sa lahat ng claims sa oras na makapagsumite sa loob ng 30-araw ng proof of loss tulad ng litrato ng binahang kotse.

“Kami lamang ang bukod tanging may AOG add-on na sumasaklaw sa typhoon at flood related claims,” aniya pa.

ACTS OF GOD

ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

AYON

DAHIL

ECHAUZ

INSURANCE INC

OFFICER ERNESTO

PANGULONG GLORIA ARROYO

SHY

TRADE SECRETARY PETER FAVILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with