^

Metro

Binatilyo dinukot ng pulis?

-

MANILA, Philippines - Isang 17-anyos na binatilyo ang pinangangambahang dinu­kot umano ng dalawang pulis-Maynila matapos ireklamo ng kan­yang lola na may tatlong araw na umanong nawawala, sa Tondo, Maynila.

Sa reklamo ni lola Corazon Bordad, 59, ng #1507 Tindalo St., Tondo, noong Sa­bado pa uma­no hindi natatag­puan ang apo niyang si Danilo Samson, 17. Sa salaysay ni Bordad sa MPD-General Assign­ ment Sec­tion (GAS), dakong alas-3 ng ma­­daling-araw noong Sabado nang lumabas ng kanilang bahay ang apo upang maglaro ng bingo at nagtungo rin umano sa bahagi ng Alvarez St. Tondo hanggang sa hindi na makita pa.

Bagamat hindi pa beripi­kado, naghihinala ang ginang na posibleng ang mga kagawad umano ng Manila Police District na pinangalanan niyang sina “Michael Pastor” at “Maximo So” ang posibleng may kinala­man sa pagkawala ng kanyang apo. Naikuwento umano ng apo sa lolo na sinabihan umano ng pulis na si Pastor na kapag na­kitang muli ay papatayin siya. Sinabi ni Bordad na matagal nang may galit sa kanyang apo ang pulis na si Pastor sa hindi naman ibinunyag na dahilan.

Nanawagan si Bordad sa mga pulis na ilabas ang apo da­hil nais niyang makita ito anu­man umano ang nangyari. Ina­asahang ipatatawag ang da­lawang pulis na inaalam pa kung ito ay miyembro ng MPD at kung may katotohanan ang alegasyon. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ALVAREZ ST. TONDO

BORDAD

CORAZON BORDAD

DANILO SAMSON

GENERAL ASSIGN

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT

MAXIMO SO

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with