^

Metro

Alvin Flores gang, muling sumalakay

-

MANILA, Philippines - Sinalakay ng walong mga armado at maskaradong kala­laki­han na pinaniniwalaang grupo ng Alvin Flores gang ang isang cellphone showroom na natangayan ng tinatayang umaabot sa P.4 milyon kahapon ng madaling araw sa Pasig City.

Ayon sa ulat, pinasok ng mga suspect ang “The Semicon Cellphone Showroom” na nasa 3rd floor ng 8th storey building na nasa #50 Semicon Building Marcos Highway, Dela Paz, ng lungsod na ito.

Sa pahayag ni Maylin Enri­quez, 29, business adminis­trator ng nasabing establisi­mento, dakong alas-3 ng ma­daling-araw nang sumalakay ang mga suspect na nakasuot ng bonnet at pawang armado ng malalakas na kalibre ng armas.

Ang Alvin Flores gang ay wanted sa mga awtoridad kaugnay ng pagkakasangkot sa serye ng robbery/holdup sa malalaking establisyemento, carnapping at iba pang illegal na aktibidades sa Metro Manila at mga karatig lugar.

Ayon sa imbestigasyon, ang mga suspect ay sakay ng isang itim na Land Cruiser at nagpa­kilalang mga pulis.

Tuloy tuloy umano sa park­ing lot ang mga suspect at dumaan sa gilid ng gusali pa­pasok sa showroom.

Naghihinala naman ang mga awtoridad na target ng mga suspect ang may-ari ng gusali subali’t hindi ito makita kung kaya’t pinaghahakot na lamang ang mga stocks at da­lawang lap top computers na nasa showroom na aabot sa P400,000 ang halaga. (Joy Cantos)

ALVIN FLORES

ANG ALVIN FLORES

AYON

DELA PAZ

JOY CANTOS

LAND CRUISER

MAYLIN ENRI

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with