MANILA, Philippines - Hematoma o internal bleeding sa ulo ang hinihinalang ikinamatay ng isanng 36 anyos na technician matapos bugbugin ng dalawang lasing sa Sta. Ana, Maynila kahapon ng madaling-araw.
Patay na nang maipasok sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Victor Martin Pranalles, binata, residente ng 3384 F. Nazareno St., Barangay Singkamas, Makati City.
Mabilis namang naaresto ng mga barangay tanod ang mga suspek na sina Alfredo Otico, 31, may-asawa, walang trabaho ng No. 60 B. H. Santos st., Makati City; at Noel Salvatierra , 39, insurance agent, ng 7210 Ferrel Compound, Pinagbuhatan, Pasig City.
Sa pahayag ng isang tindero ng mani, si Pranalles umano ay bumili sa kaniya ng mani habang si Otico umano ay masama ang tingin sa biktima.
Maya-maya ay lumapit si Salvatierra bago bi natukan si Pranalles. Sinuntok naman ito ni Otico sa panga. (Ludy Bermudo)