^

Metro

Taiwanese nasagip: 7 kidnappers todas

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Patay ang pitong ­’y notoryus na miyembro ng Waray-Waray kidnap for ransom gang habang na­sagip ang isang negosyan­teng babaeng Taiwanese sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na elemento ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) at Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) sa Maynila at Valenzuela City ka­hapon ng madaling- araw.

Tatlo sa mga suspek ang nakilalang sina Er­nesto Nueva, 42, ng Pasig City, Norberto Amora, 47, ng Cainta, Rizal at isang hindi nakilalang lalaki na tinatayang edad 45-50 an­yos, may tattoo ng mukha ng babae sa kanang balikat at nakasulat na Mary Jane.

Nasagip naman sa follow-up operations sa San Jose del Monte City, Bu­lacan ang kidnap victim na si Margaret Kao na ina­bandona ng mga suspect sa kanilang safehouse sa Royal subdivision sa Brgy. Sto. Cristo, San Jose del Monte City, Bulacan.

Sinabi ni PACER Chief Sr. Supt. Isagani Nerez na si Kao ay kinidnap ng mga suspect sa bahay nito sa Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City noong Huwe­bes ng umaga.

Una rito, nasundan ng ISAFP operatives ang To­yota Innova (ZTY-158) na ginamit ng mga suspek sa pagkolekta ng P3 milyong ransom para mapalaya ang biktima.

Ang nasabing Innova kasama ang kulay itim na Mitsubishi Galant Sedan (XBV-606) ni Kao ay na­ki­tang nakaparada sa na­sabing subdivision at dalawang behikulo ang nakitang umalis matapos ang 30 minuto.

Ayon kay Nerez, sinun­dan ng mga operatiba ang dalawang behikulo hang­gang sa makarating ito sa Gen. Luis sa Valenzuela City dakong ala-1:45 ng madaling araw.

Naglatag ng checkpoint ang ISAFP at PACER ka­sama ang mga miyembro ng Valenzuela City Police subali’t sa halip na huminto ay pinahagibis ng mga suspect ang kanilang sinasak­yang behikulo na nauwi sa habulan at shootout.

Nakorner ang Innova sa C5 Road habang ang Mit­subishi Galant ay huma­rurot upang takasan ang mga awtoridad na tumahak patungo sa North Avenue.

Agad na pinaputukan ng mga suspect ang mga awtoridad na nagresulta sa palitan ng putok na tuma­gal ng tatlong minuto at pagkakapatay sa tatlo pang mga suspect sa loob ng van.

Hinalughog ng mga operatiba ang van at na­bawi mula rito ang P3M ransom ng pamilya Kao na nakasilid sa dalawang plastic bags, isang mobile phone, dalawang caliber. 38 revolvers at isang cal. 22 revolver.

Bandang alas-3:15 naman ng madaling-araw nang maispatan ang Mitsu­bishi Galant na humahagi­bis sa kahabaan ng Blu­mentritt St. sa lungsod ng Maynila patungo sa direk­syon ng Plaza Lacson.

Sinabi ni Nerez na nang makita ang checkpoint sa paanan ng Quezon Bridge ay tumahak ang mga suspect sa Muelle del Rente St. hanggang sa makorner ang mga ito na nakipag­barilan sa mga tumutugis na operatiba.

Nagkaroon ng 10 minu­tong putukan kung saan pawang dead-on-the-spot ang tatlong suspect ha­bang ang isa pa ay idi­neklara namang dead on arrival sa pagamutan.

Narekober naman sa loob ng sasakyan ng mga suspect ang isang cal. 45 pistol, isang cal. 38 revolver at isang carbine rifle. (Dagdag ulat nina Gemma Garcia, Doris Franche, Boy Cruz at Lordeth Bonilla)

BOY CRUZ

BRGY

INNOVA

KAO

MONTE CITY

SAN JOSE

SHY

SUSPECT

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with