^

Metro

Fixer ng pekeng US visa, timbog

-

MANILA, Philippines - Nalambat ng mga ahente ng National Bureau of In­ves­tigation (NBI) ang isa sa dalawang suspek na pinani­niwalaang fixer ng pekeng US visa sa isina­gawang entrap­ment operation sa Sta. Mesa, Maynila.

Kinilala ni Deputy Director for Technical Services, Atty. Rey­naldo Esmeralda ang na­dakip na si Ariel R. Victorino, ng Guadal Canal St., Sta. Mesa, Maynila.

Bigo namang maaresto ang isa pang suspek na si Hershey Victorino na resi­den­te din ng Sta. Mesa, Maynila.

Nag-ugat ang entrapment matapos idulog ng mga bikti­mang sina Jason Navarro, Mark Anthony C. Tinio; Marina Yape Navarro; Noriel Navarro at Sheryl Pecio Anuada ang ka­nilang reklamo sa NBI pa­tungkol sa inaalok na US work­ing visa ng mga suspect.

Tig-50 libong piso umano ang hiningi sa kanila ng mga suspect kapalit ng naturang visa pero hindi ito nangyari.

Nabatid pa sa ulat na ma­rami na ang nabiktima ng mga suspect na sinampahan na agad ng kaukulang kaso. (Ludy Bermudo)

ARIEL R

DEPUTY DIRECTOR

GUADAL CANAL ST.

HERSHEY VICTORINO

JASON NAVARRO

LUDY BERMUDO

MARINA YAPE NAVARRO

MARK ANTHONY C

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with