Urban planning sa Metro Manila inirekomenda
MANILA, Philippines - Upang maiwasan ang malawakang flashfloods gaya nang dinulot ng bagyong Ondoy, inirekomenda kahapon ni Defense Secretary at National Disaster Coordinating Council (NDCC) Chairman Gilberto “Gibo “ Teodoro Jr. ang masusing urban planning at development sa Metro Manila at karatig lalawigan.
Sinabi ni Teodoro na grabe ang pinsala ng bahang idinulot ng bagyong Ondoy sa Metro Manila, mga karatig lalawigan tulad ng Rizal at Bulacan kaya dapat na kumuha ang gobyerno ng pinakamagaling na planning experts para magsagawa ng pag-aaral ukol dito.
Aniya, kailangang isagawa ito kasunod ng isinasagawang relief efforts ng pamahalaan para sa mga biktima ng baha. Kinakailangan umanong pangunahan ito ng Office of the President para magkaroon ng partisipasyon ang mga cabinet secretaries, bukod dito ay kailangan din ang aktibong partisipasyon ng publiko. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending