^

Metro

Number coding balik na uli

-

MANILA, Philippines - Matapos ang isang linggong suspensyon dahil sa matinding pag­ba­baha, ibinalik na mula pa ka­hapon ng Metro­politan Manila Develop­ment Authority (MMDA) ang number coding o Unified Vehicular Volume Re­duction Program (UVVRP) dahil sa ina­asa­hang pag­dagsa muli ng mga sasak­yan sa mga kalsada.

Sinabi ni MMDA Chair­man Bayani Fernando, ki­nakailangan na nilang ibalik ang number coding upang maibsan ang pag­sisikip ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lan­sangan sa Metro Manila, lalo na’t nagbu­kas na muli ang klase sa mga pa­aralan.

Tuloy naman ang pag­papairal ng “window hour” sa pagitan ng alas-10 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon sa mga piling lungsod kung saan pinapa­yagang magamit ng mga motorista pansa­mantala ang kanilang sa­sakyang sakop ng number coding.

Muling pinaalalaha­nan naman ni Fernando ang mga motorista na uma­abuso sa number coding na hindi pases ang ka­nilang “comme­mo­rative plates” sa natu­rang regu­las­yon. Kaila­ngan uma­nong sumunod sila sa tama at ikabit ang kanilang regular na plaka katabi ng commemo­rative upang mabatid kung anong araw ito bawal sa kalsada.

Hindi naman pinaiiral ang “window hour” sa Makati City dahil may ipi­naiiral na sariling pro­grama sa batas trapiko.

Inistasyon naman ni Fernando ang kanilang “command center” sa likod ng Marikina City Hall upang mapabilis umano ang pagdadala ng mga equipments at tauhan na naglilinis ng mga kalsada sa iba pang lugar sa natu­rang lungsod, Pasig City, Cainta at Taytay sa lalawi­gan ng Rizal. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BAYANI FERNANDO

DANILO GARCIA

FERNANDO

MAKATI CITY

MANILA DEVELOP

MARIKINA CITY HALL

METRO MANILA

PASIG CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with