^

Metro

50 establisimento kinasuhan sa overpricing

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Limampung estab­lisi­mento na sinasa­bing nagsamantala ngayong nasa ilalim sa State of Calamity ang bansa dahil sa over­pricing   ang kinasuhan ng De­partment of Trade and Industry (DTI).

Hindi naman inisa-isa ni DTI Undersec­retary Zenaida Mag­laya ang mga establi­simento na karamihan umano ay nasa mga lugar na ma­tin­ding hi­nagupit ng ka­lamidad. Sinabi nito na isinampa na nila sa mga korte ang mga kaso upang mapatawan ng mas mabigat na parusa ang mga negosyante dahil sa tanging pag­mu­­multa lamang ang ka­yang ipatupad ng DTI.

Sinabi rin ni DTI Secretary Peter Favila na mahaharap sa mul­tang P1 milyon at pag­ka­kulong ang sinu­mang mahuhuling la­labag sa “price con­trol”, habang paparu­sa­han naman ng P2 milyong multa at 15 taong pag­kakulong ang mga ma­huhuling nagsa­sa­gawa ng “hoard­ing” sa pana­hon ng kalamidad.

Nagbabala naman si Maglaya sa mga “laundry shops” na ka­bilang rin sila sa mga mapapatawan ng pa­rusa hindi lamang mga negosyante ng pag­kain matapos na ma­katang­gap ng mga sum­bong na tumaas ang kani­lang singil nga­yong panahon ng kalamidad.

vuukle comment

LIMAMPUNG

MAGLAYA

NAGBABALA

SECRETARY PETER FAVILA

SHY

SINABI

STATE OF CALAMITY

TRADE AND INDUSTRY

ZENAIDA MAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with