^

Metro

Mayor sugatan, driver kritikal sa banggaan sa highway

-

MANILA, Philippines - Nakaligtas sa kamatayan ang alkalde ng bayan ng Gumaca, Quezon habang naki­kipaglaban pa para sa kanyang buhay ang kanyang driver makaraang salpukin ng isang trak ang sinasakyan nilang SUV (sports utility ve­hicle) sa kahabaan ng South Luzon Expressway sa may Taguig City kahapon ng madaling-araw.

Nagpapagamot ngayon sa St. Luke’s Hospital si Mayor Joy Cabangom ng Gumaca ngunit inoobserbahan naman sa loob ng South Super­highway Medical Center ang kalagayan ng kanyang tsuper na si Ramil Revilla, 24-anyos, ng San Antonio I, San Pablo City dahil sa tindi ng pinsalang natamo sa buong katawan. Tumakas naman ang hindi pa nakikilalang driver ng DMCI truck na may plakang UCC-229 matapos ang insi­dente. Inimpound naman ang naturang trak ng mga tauhan ng Highway Patrol Group ng SLEX sa AAP Towing Service Storage sa East Service Road, Taguig City.

Binabagtas ng dalawang biktimang sakay ng Montero SUV ang expressway nang big­lang sumulpot ang natu­rang trak na pag-aari ng DMCI na siyang nangangasiwa ng konstruksyon ng skyway.

Hindi na nagawa pang makaiwas ni Revilla sanhi upang sumalpok sila sa huli­hang bahagi ng naturang trak. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

EAST SERVICE ROAD

GUMACA

HIGHWAY PATROL GROUP

MAYOR JOY CABANGOM

MEDICAL CENTER

RAMIL REVILLA

SAN ANTONIO I

SAN PABLO CITY

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with