Umawat sa gang war, tinodas

MANILA, Philippines - Namatay ang driver ng isang konsehal ng Pasay City makaraang barilin ng isa sa mga lalaki na miyembro ng naglalabang gang nang tang­kain niyang umawat sa isang kaguluhan kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod.

Isang oras pang nakipag­laban sa kamatayan bago tu­lu­yang malagutan ng hininga sa loob ng San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Emil San Gabriel, 30-anyos, driver ni Pasay Councilor Marlon Pesebre.

Pinaghahanap naman ngayon ng mga otoridad ang tumakas na suspek na si Jimmy Amor, 26-anyos, ng Barangay 194 Pildera 2 NAIA Road, Pasay.

Sa ulat ni PO3 Nestor Rubel ng Pasay police, nag­ka­rambulan ang dalawang magkalabang gang nang dumayo ang grupo ni Amor sa lugar ng biktima dakong alas-10 ng gabi.      

Nang mabulabog sa kan­yang pagtulog, lumabas si San Gabriel at tinangkang patigilin ang magkabilang grupo. Lumapit naman si Amor sa biktima at agad na pinaputukan ng hindi mabatid na kalibre ng baril kung saan tinamaan si San Gabriel sa sikmura at tumagos sa likod.

Show comments