^

Metro

Fernando umapila sa basura

-

MANILA, Philippines - Umapila kahapon si Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando sa publiko na maglinis ng kanilang drainange at disiplinahin ang kani-kanilang sarili sa pagtatapon ng basura lalu na sa mga naapektuhan ng bagyo upang hindi na maulit ang trahedya na ikinasawi ng mahigit sa 200 katao.

Sa isang panayam kay Fer­nando, nilinaw nito na walang katotohanan na mayroong P500 million, sa halip ang naka­laang pondo lamang ng ahen­siya para sa proyekto ng flood control sa buong Kalakhang Maynila ay nagkakahalaga ng P250 million kada taon.

Matagal ng sinisisi ng MMDA sa publiko ang mga bara­dong drainage at kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura.

Base kasi sa pag-aaral ng MMDA, ang mga nakabarang basura sa mga drainage ang dahilan ng pagtaas ng tubig baha sa buong Kalakhang Maynila.

Umapila din si Fernando sa Solid Waste Collectors Asso­ciation of the Philippines (SWACAP) na agarang pagko­lekta ng tone-toneladang ba­sura lalo na sa panahon ng baha dahil posibleng kumalat ang sakit.

Nabatid na ang cleaning ope­ration ng MMDA ay naka­sen­tro ngayon sa Marikina City Market, pagkatapos ay sa Pro­vident Village, kung saan ito ang grabeng naapektuhan ng bag­yong Ondoy.

Halos masuka-suka ang mga kawani ng MMDA sa clean­ing operation dahil sa napa­kabahong amoy na ka­nilang nalalanghap dahil ang amoy ay pinaghalong putik at mga patay na hayop. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

FERNANDO

KALAKHANG MAYNILA

LORDETH BONILLA

MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MARIKINA CITY MARKET

MATAGAL

SHY

SOLID WASTE COLLECTORS ASSO

UMAPILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with