^

Metro

Force evacuation sa Maynila, ikinasa

-

MANILA, Philippines - Bilang paghahanda sa inaasahang malakas na pagdating ni ‘Pepeng’ ngayon sa bansa, isinagawa ni Manila Mayor Alfredo Lim ang force evacuation sa lungsod upang matiyak na walang Manilenyo ang maapektuhan at magiging biktima ng pagbaha at bagyo.

Sa kautusan ni Lim kay Secretary to the Mayor Rafaelito Garayblas, sinabi nito na gamitin at makipag-ugnayan sa lahat ng mga kinauukulan upang maging maayos at mabilis ang pagsasa­gawa ng paglilikas.

Kabilang sa mga lugar na inilikas ay ang Isla Puting Bato at ilang barangay sa Sta. Mesa, na direktang naapektuhan ni ‘Ondoy’ noong Setyem­bre 26. Ang mga maapektuhan ay dadalhin sa evacuation centers hanggang sa maging normal ang sitwasyon.

Inabisuhan din ni Lim ang Manila Disaster Co­or­dinating Council na pinamumunuan ni Manila Vice Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno na gamitin ang lahat ng kailangan upang mailikas ang mga nakatira sa tabi ng mga estero at mga binabahang lugar sa Maynila.

Ayon naman kay Moreno, kailangang isagawa ang evacuation para na rin sa seguridad ng mga residente ng lungsod na walang kakayahan na mailikas ang kanilang mga sarili sakaling dumating ang supertyphoon.

Samantala, half day lang ang mga empleyado ng Manila City hall upang mabigyan ng pagkaka­taon ang mga empleyado na mapaghandaan ang posibleng hagupit ni Pepeng. (Doris Franche)

DORIS FRANCHE

ISLA PUTING BATO

MANILA CITY

MANILA DISASTER CO

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA VICE MAYOR FRANCISCO

MAYOR RAFAELITO GARAYBLAS

MORENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with