Looting talamak: PNP pumoste sa Provident Village

MANILA, PHilippines - Nagtatag ng police out­ post ang National Capital Re­gion Po­lice Office (NCRPO) sa Provi­dent Village sa Mari­kina City sa pinaigting na kam­ panya laban sa mga magna­nakaw na nag­sa­samantala sa mga bahay na ina­bandona ng mga may-aring lu­mi­kas sa mga evacuation areas.

Personal na ininspeksyon ni NCRPO chief, Director Ro­berto Rosales ang deploy­ment ng mga pulis sa paligid ng Pro­vi­dent Village at iba pang lugar sa Marikina City kahapon.

Pinangunahan rin nito ang pagtatatag ng pansamantalang police outpost na maaaring tak­buhan ng mga residenteng hu­mihingi ng tulong laban sa mga magnanakaw.

Nagpakalat rin si Rosales ng 150 tauhan ng Police Re­gional Mobile Group sa Mari­kina at Rosario, Pasig City upang pa­igtingin ang “foot patrol” dahil sa malawakang ulat ng “looting”.

Sa mga nagdaang sum­bong ng mga residente, pina­sok ng mga gang ang mala­laking bahay sa loob ng Provi­dent Village kamakalawa ma­tapos na bahagyang humupa ang baha kung saan isinakay ang mga naisalbang mga tele­bis­yon, refrigerator, aircon unit at iba pang kagamitan sa mga ka­ri­ton at gawa-gawang bang­ka. (Danilo Garcia at Joy Cantos)

Show comments