5 pang bangkay kuha sa Las Piñas at Parañaque

MANILA, PHilippines - Lima pang bangkay kabilang na ng dalawang paslit na biktima ng bag­yong Ondoy ang nare­kober sa mga lungsod ng Las Piñas at Parañaque kahapon.

Sa ulat ng Northern Police District-Tactical Operations Center, na­tag­puan kahapon ng umaga ang bangkay ng 61-anyos na lolo na si Lo­reto Bagapuro, ng Block 1 Lot 4 Saint Vincent street, St. Joseph Subdi­vision na lumutang sa ilog sa ilalim ng tulay ng Manuyo 2. Isang bang­kay naman ng lalaki na may edad na 10-15 an­yos ang narekober sa may Brgy. Manuyo 1.

Batay sa ulat, tina­ngay ng malakas na agos ang dalawa nang uma­paw ang ilog sa Saint Jo­seph Subdivision noong Sabado ng gabi.

Tatlo namang bang­kay, kabilang ang dala­wang bata na may edad na isa at apat-na-taong gulang ang natagpuan ng mga rescue team ng Pa­ra­ñaque City sa magka­hi­walay na lugar sa Brgy. San Dionisio at San An­tonio kahapon ng umaga.

Unang nakita ang bang­kay ni Rollie Dele­gensia, 25, na lumutang sa ilog ng Lower Ba­rangay, San Antonio dakong alas-9 ng umaga habang sa ilog naman ng Lupang Pangako sa San Dionisio lumutang ang hindi pa nakikilalang bangkay ng dalawang bata. (Danilo Garcia)

Show comments