^

Metro

Oil spill sa Marikina River

-

MANILA, PHilippines - Kinumpirma kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang pagka­karoon ng malawakang oil spill sa Marikina River.

Sinabi ni PNP Spokes­man Sr. Supt. Leonardo Espina, mismong si PNP Chief Director General Jesus Verzosa ang naka­saksi sa malawak na oil spill sa nasabing ilog ka­hapon ng umaga nang ito’y magsagawa ng aerial survey sa mga lugar na sinalanta sa Metro Manila at karatig lugar ng malakas ng bagyong Ondoy.

Sa inisyal na imbesti­gasyon, lumitaw na nag­mula ang nasabing langis sa Oil Storage Tank ng Noah Paper Mill na nag­la­laman ng aabot sa 650 libong litro ng langis at nasa gilid ng Marikina River. Nasira umano ang oil pipeline ng Noah Paper Mills nang itoy da­anan ng malakas na agos ng tubig sa kasag­sa­gan ng pananalasa ng bagyong Ondoy kayat tumagas ang libu-libong litro ng langis na dumaloy sa naturang ilog.

Samantala, nagkaka­roon na ngayon ng pahi­rapan sa pag-rescue ng mga nasalanta ng bagyo sa Riverside Subdivision, Pasig City. Maliban sa ma­lakas na agos ng tubig, kuma­kalat na ang oil spill sa Pasig, na nagpapahirap sa mga rescuers.

Nabatid na mahigit 10,000 mga residente ang inilikas sa coastal area ng Pasig-Ortigas extension.

Ang Marikina ang pina­kagrabeng sinalanta ng flashflood sa Metro Ma­nila kasunod ang Pa­sig City kung saan ka­ra­mihan sa mga resi­dente ay napili­tang umak­yat sa bubu­ngan o rooftop ng kanilang mga tahanan. (Joy Cantos)

ANG MARIKINA

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

JOY CANTOS

LEONARDO ESPINA

MARIKINA RIVER

METRO MA

METRO MANILA

NOAH PAPER MILL

NOAH PAPER MILLS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with