Salvage victim natagpuan sa Maynila
MANILA, Philippines - Isang hindi pa nakikilalang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage ang itinapon sa likod ng isang hardware sa Malate, Maynila, kahapon ng umaga.
Nangingitim ang mukha at may natuyong dugo sa ilong nang itihaya ang nakalugmok na biktimang may edad sa pagitan ng 35 hanggang 40, may taas na 5’1’’ hanggang 5’2’’, chubby, naka-t-shirt na blue at may tattoo na “Sputnik”.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:15 ng umaga nang mapansin ng isang residente ang bangkay sa likod ng isang hardware sa P. Tuazon st., Malate.
Wala umanong nakakakilala sa biktima sa lugar. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending