^

Metro

Iniwan ng mahal, nagpakamatay

-

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi matanggap na iwan ng kinakasama, kung kaya ipinasya ng isang driver na tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Si Samuel Vanilla, 38, ng #162 Baco St., Brgy. Salva­cion sa lungsod ay natagpuan na lamang ng kaibigang si Napoleon Catingroy na walang buhay na nakabitin sa loob ng kanyang bahay, pasado alas-6:15 ng umaga.

Bago ito, nagkaroon ng pag-aaway ang biktima at kanyang live-in partner na si Riza Tumandi dahil nais na ng huli na tapusin ang kanilang relasyon.

Dahil hindi rin napapayag ng lalaki ang live-in partner matapos ang pagtatalo, naging balisa ang una, hang­gang sa magpasya na itong magpakamatay.

Magkagayunman, patuloy ang imbestigasyon ng awto­ridad sa nasabing insidente upang matukoy kung may naganap na foul play dito. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

BACO ST.

BRGY

DAHIL

MAGKAGAYUNMAN

NAPOLEON CATINGROY

QUEZON

RICKY TULIPAT

RIZA TUMANDI

SALVA

SI SAMUEL VANILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with