^

Metro

Bahay ng Comelec official pinaulanan ng bala

-

MANILA, Philippines - Nagsimula na ang mga krimeng posibleng may kinalaman sa darating na halalan makaraang paulanan ng bala ng mga hindi nakilalang lalaki ang bahay at sasakyan ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) sa Malabon City kamakalawa ng umaga.

Nagkabutas-butas lamang ang bahay at walang nasaktan sa miyembro ng pamilya ni Rudolf Melon, 56, nakatalaga sa Office of the Re­gional Director ng Comelec-NCR at residente ng Nangka Road, Brgy. Potrero, Malabon.

Sa ulat ng Malabon police, naganap ang insi­dente dakong ala-1:45 kamakalawa ng madaling- araw nang pumarada sa tapat ng bahay ng biktima ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo at paulanan ng bala ang bahay ni Melon gamit ang isang M-16 armalite rifle at kalibre .45 pistol. Inabot din ng bala ang Toyota Hi-Ace van (PRE-412) ni Melon na nakaparada sa tapat ng kan­yang bahay bago mabilis na tumakas ang dalawang suspek kung saan hindi na nakuha ang plaka ng kanilang motorsiklo.

Nabatid naman na wala si Melon sa naturang bahay nang maganap ang insidente at pawang mga katulong lamang ang naiwan. Sinabi ni Melon na maging siya ay blangko sa motibo ng pama­maril dahil sa wala naman siyang alam na nakaaway lalo na ukol sa halalan.

Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang mga bala ng kalibre .45 at armalite kung saan nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis upang alamin kung may kaugnayan sa pagiging election officer ng biktima ang dahilan ng nasabing insidente.

Nabatid na natalaga bilang election officer sa 2nd District ng Caloocan City si Melon nitong 2007 matapos na manggaling sa Comelec-NCR officer sa Intramuros, Maynila. (Danilo Garcia)

CALOOCAN CITY

COMELEC

DANILO GARCIA

MALABON

MALABON CITY

NABATID

NANGKA ROAD

OFFICE OF THE RE

RUDOLF MELON

TOYOTA HI-ACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with