Kinuyog, sinaksak, binugbog Pulis rumesponde sa holdap tinodas

MANILA, Philippines - Patay ang isang tauhan ng Northern Police District (NPD) makaraang pagtulu­ngang saksakin at bugbugin ng isang grupo ng mga kala­lakihan matapos na mabaril at ma­paslang nito ang isang 15-anyos na binatilyong suspek sa isang holdapan na kan­yang nirespondehan, kama­ka­lawa ng gabi sa Parañaque City.

Patay na nang idating sa pa­­gamutan sanhi ng tina­mong mahigit sa sampung saksak sa katawan at palo ng kahoy sa ulo ang biktimang si PO3 Reynaldo Mananghaya, nakatalaga sa District Anti-Illegal Drug-Special Opera­tions Group ng NPD.

Nasawi rin sa insidente ma­tapos na mabaril ni Ma­nang­haya ang hinihinalang holdaper na si Alenor Diamla, residente ng Park Avenue, Pasay City.

Sa ulat ng Parañaque po­lice, pauwi na si Ma­nanghaya sa kanyang bahay sa Brgy. San Dionisio ng naturang lung­sod nang lapitan at hingan ng tulong ng isang babae na biktima ng pangho­holdap sa may Taft Avenue, Brgy. Baclaran dakong alas-7:30 ng gabi.

Dahil sa tawag ng tung­kulin, mabilis na rumesponde si Mananghaya kung saan naabutan niya ang isang gru­po ng kabataan na kabilang sa nangholdap sa babae na positibong itinuro ng biktima. Sinita naman ng pulis ang grupo matapos na magpa­kilalang alagad ng batas ngunit sa halip na matakot ay galit na sinugod pa ng natu­rang grupo si Mananghaya at inumpisahan siyang gulpihin.

Bagama’t sugatan, na­gawa pang makabunot ng kanyang baril si Mananghaya at magpaputok kung saan tinamaan si Diamla na agad nitong ikinasawi. Lalo na­mang nagalit ang grupo na pinagsa­saksak at ginulpi ito hanggang sa matiyak na wala na itong buhay.

Tumanggi naman ang kapamilya ni Diamla na ipa-awtopsiya ang bangkay nito upang matiyak na sa pulis galing ang balang nakatama dito dahil sa labag umano ito sa kanilang relihiyong Muslim.

Show comments