MANILA, Philippines - Patay matapos mabasag ang bungo at magkalasug-lasog ang katawan ng isang 20-anyos na welder nang mahulog mula sa ika-20 palapag ng 35-palapag ng itinaayong gusali, kahapon ng hapon sa Binondo, Maynila.
Ayon sa ulat, nakilala ang nasawing biktima na si Rogelio Anhao, ng Area 4, Florentina St., Gulod, Novaliches, Quezon City.
Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-2:00 ng hapon nang mahulog ang biktima habang nagkakabit ng deflector screen sa 20th floor ng Citi Place Tower, Meisic St., Binondo, Maynila.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang MPD-Homicide Section upang alamin kung nakatugon sa itinatakdang safety measures ang construction firm, kung nakasuot ng safety gears ang biktima o may foul play sa kaso. (Ludy Bermudo)