^

Metro

Totoy utas sa baril ng tiyo

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Bala mula sa baril ng sari­ling tiyuhin ang tumapos sa buhay ng isang 6 na taong gulang na batang lalaki ma­tapos pagpraktisan at aksi­denteng makalabit ito, ka­makalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Sa mukha tumama na tumagos pa sa leeg ang bala ang tinamo ng biktimang si Mark Simon Samson, ng San Pedro St., Brgy. 3, Alaminos, Laguna.

Kinilala naman ang suspect na tihuyin na si Edgardo Ocampo, estibador sa Port Area at residente ng San Fernando Sur, Tibagin, Ca­biao, Nueva Ecija.

Sa ulat ni PO2 Jaime Gon­zalez Jr, ng Manila Police District Homicide Section, naga­nap ang insidente da­kong alas-2:50 ng hapon sa loob ng Unit 106, Building 26, Permanent Housing, Balut, Tondo.

Nabatid na nasa ikala­wang palapag o mezzanine ang mag-tiyuhin sa nasabing gusali, kasama ang kapatid ng suspek na si Elmer at nano­nood umano ng telebisyon nang itutok umano ng suspek sa paslit ang baril nang hindi inakalang pumutok ito at nasapul ang mukha ng bata.

Nang bumulagta ay isinu­god ni Ocampo at Elmer ang biktima sa Tondo Medical Center at dakong alas- 7:41 ng gabi nang ideklarang patay ni Dr. Joey Caringal.

Nabatid na matapos isu­god ang bata sa ospital ay tumakas na ang suspek.

Unang lumabas sa ulat na biktima lamang ng stray bullet ang bata, na nagmula umano sa di malamang lugar ay puma­ sok ang bala mula sa bintana.

Subalit nang mamatay na ang biktima sa pagamutan, bumigay na si Elmer at sinabi ang katotohanan na mismong ang suspek ang nakabaril sa bata.

Isinampa na ang kasong homicide laban sa suspek na pinaghahanap pa ng awtoridad.

vuukle comment

DR. JOEY CARINGAL

EDGARDO OCAMPO

JAIME GON

MANILA POLICE DISTRICT HOMICIDE SECTION

MARK SIMON SAMSON

NABATID

NUEVA ECIJA

PERMANENT HOUSING

PORT AREA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with