MANILA, PHilippines - Tunay na kayamanan sa ngayon ng Quezon City ang dating tambakan lamang ng basura sa Payatas sa naturang lunsod dahil, sa ngayon, hindi lamang mga turista ang pumupuri sa proyektong ito ng administrasyon ni Mayor Feliciano Belmonte sa dating bundok-bundok na basura.
Sa isang talumpati, pinuri ni United National Industrial Development Organization Secretary General Kandeh Yumkella sa nakaraang international conference on Green Industry in Asia sa Philippine International Convetion Center sa Pasay City ang kahanga-hangang liderato ni Belmonte dahil sa proyektong isinulong niya sa Payatas dumpsite, ang Payatas Controlled Disposal Facility.
Ayon kay Belmonte, ang obserbasyon ni Yumkella ay patunay lamang sa maraming pagbabago na ginawa sa lungsod upang makatulong sa pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng mga residente dito tulad ng nangyayari sa ngayon sa Payatas area kung saan may pinagkukunan ng hanapbuhay ang mga naninirahan doon.
Ang rehabilitasyon sa Payatas dumpsite ay isa sa nabigyan ng Galing Pook Award bilang outstanding local governance program. (Angie dela Cruz)