Driver na manunuhol hihigpitan
MANILA, Philippines - Mas maghihigpit rin ngayon ang Metropolitan Manila Development Authority sa mga bus at jeepney driver na nanunuhol o nag-aalok ng pera sa mga traffic enforcers na umano’y sanhi upang masilaw ang mga ito at masangkot sa katiwalian sa kalsada.
Sinabi ni MMDA Chairman Bayani Fernando sa isang pahayag na hindi lamang mga traffic enforcer na mahuhuling tumatanggap ng lagay ang mapaparusahan kundi pati na rin ang tsuper na naglalagay dahil dalawa silang naka gawa ng paglabag.
Ipinaliwanag ng MMDA chief na kabilang sa ipinagkaloob na kapangyarihan na lumikha sa kanilang ahensiya ang mangumpiska ng lisensiya ng mga nagkakasalang tsuper kaya puwede nilang ipawalambisa ang lisensiya ng mga ito kapag nagtatangka o nagbibigay ng tong sa mga traffic enforcers.
Tatanggalin naman agad sa serbisyo ang mga enforcer na mapapatunayang siya namang nanghihingi nito sa mga drivers. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending