^

Metro

Dating ABS-CBN exec binugbog ng colonel

-

MANILA, Philippines - Isa umanong mataas na opisyal ng Philippine National Police ang tugis ngayon ng mga awtoridad maka­raang ireklamo ng pananakit at panunutok ng baril sa isang dating top executive ng ABS-CBN sa Congressional Avenue­, Quezon City kahapon.

Inutos ni Quezon City Police District Director Sr. Supt. Elmo San Diego ang paghahanap sa sasakyan ng suspek na nag­pakilalang si Supt. Morales na mabilis na tumakas makaraan umanong pagbubugbugin at tutukan ng baril ang isang Rino Basilio, 79-anyos, at retiradong top executive ng ABS-CBN.

Nag-ugat ang insidente nang magkaroon ng simpleng problema sa trapiko ang biktima at nasabing suspek sa may parking area ng isang fastfood sa may Congressional Avenue bandang alas-7:00 ng umaga.

Sinabi ni Basilio na ipaparada sana niya ang kanyang KIA sporstage sa nasabing lugar nang may nakaharang na isang kulay gintong Nissan Patrol sa driveway nito.

Nang businaan ng biktima ay lumabas ang isang lalake na may bitbit ng baril at nagpakilalang isang Supt. Morales sabay tutok sa una.

Dahil dito, sa pag-aakalang naagrabyado ang pulis ay nagsi­paglabasan ang mga tao na kumakain sa fastfood at kinuyog ang biktima saka mabilis na umalis ang naturang pulis.

Sa puntong ito, nagpasya si Basilio na dumulog sa tanggapan ng Police Station 3 at kay Supt. San Diego para magreklamo. (Ricky Tulipat)

BASILIO

CONGRESSIONAL AVENUE

ELMO SAN DIEGO

NISSAN PATROL

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE STATION

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT DIRECTOR SR. SUPT

RICKY TULIPAT

RINO BASILIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with