^

Metro

Holdaper sa ATM natimbog

-

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang kilabot na holdaper na kasama sa gru­pong nambibiktima sa mga nagwi-withdraw sa mga ATM (automated teller machines) sa isang habulan kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Nakilala ang nadakip na suspek na si Senen Gre­gorio, 27 anyos, residente ng #2445 Decena St., Pa­say. Nakumpiska dito ang ilang daang pera na naging parte nito sa pambibiktima kay Rey Domingo, 28-anyos, ng 123 Binay street, Rockfeller, Makati City.

Pinaghahanap naman ang tatlong nakatakas na kasamahan ni Gregorio na sina Willy De Leon, isang alyas Gabu, at isang “Boy Demonyo”.

Naganap ang insidente dakong alas-4:00 ng hapon sa may ATM station ng Banco De Oro sa Colayco Street, Pasay.

Kawi-withdraw pa la­mang ng pera ni Domingo nang harangin siya ng mga suspek at tutukan ng patalim.

Nanlaban naman ang biktima sanhi upang sak­sakin ng mga suspek na masuwerteng naiwasan nito. Natangay sa biktima ang pera niyang P1,500 at hindi rin pinatawad ang kanyang sandals na suot.

Nagawa namang maka­hingi ng tulong ng biktima sa mga tauhan ng Police Community Precinct 4 na kaagad namang nagresponde na naging dahilan sa pagka­kaaresto kay Gregorio ma­lapit sa bahay nito makara­ang pagpartihan na ng kanyang mga kasama ang nakulimbat na pera. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BANCO DE ORO

BOY DEMONYO

COLAYCO STREET

DANILO GARCIA

DECENA ST.

GREGORIO

MAKATI CITY

PASAY CITY

POLICE COMMUNITY PRECINCT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with