Dahil sa P5 barya, 53-anyos patay

MANILA, Philippines - Dahil sa paghabol sa na­hulog na P5 coin na­matay ang isang lalaki makaraang madapa at mabagok ang ulo, kaha­pon sa Malabon City.

Dead-on-arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon City si Pablito Fajardo, 53, ng Galicia St., Brgy. Bangkulasi, Navotas City.

Base sa report, ala-1 ng hapon, naglalakad ang biktima sa C-4 Road, Brgy. Tañong, Malabon City, nang mahulog ang hawak nitong P5.

Hi­na­bol ng biktima ang barya subalit minalas na na­walan ng panimbang at nabagok ang ulo sa bang­keta na naging da­hilan ng kan­yang kama­tayan. (Lordeth Bonilla)

Show comments