^

Metro

2 parak inalok ng shabu: 2 'tulak' na wow-mali

-

MANILA, Philippines - Mistulang na “wow mali” ang dalawang hinihi­na­lang pusher matapos nilang pagkamalang guma­gamit ng ipinagbabawal na gamot ang dalawang tauhan ng Manila Police District (MPD) nang benta­han nila ang mga ito nang kanilang panindang shabu kamakalawa ng hapon sa Sta. Cruz, Maynila.

Kasalukuyang nakakulong sa MPD-Station 3 (Sta. Cruz) detention cell ang mga suspek na sina Angeluz Perez, 29 at Reiner Anire, 23, kapwa residente ng Int. 14, Quiricada St., Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa pulis, dakong alas-3 ng hapon ng ma­aresto ang mga suspek sa kanto ng Quiricada at Estero de San Lazaro, Sta. Cruz, Maynila.

Kasalukuyan umanong nagsasagawa ng “stake­out operation” laban sa mga wanted person sina PO2 Arnel Tubbali at SPO1 Christopher Llanes ng MPD-Station 3 sa naturang lugar nang mapansin nila ang dalawang suspek na kapwa walang damit na pang- itaas. Kaagad umanong nilapitan ni Tubbali ang dalawa kung saan ay naaktuhan nito na inaabutan ng isang sachet na hinihinalang shabu ni Perez si Anire. Dahil nakasibilyan lamang si Tubbali ay napagkamalan umano ni Perez na kustomer ito kaya’t inalok pa niya ito ng kanyang ibinebentang shabu.

Nagtanong pa umano si Tubbali kay Perez ng “Magkano ba ito?” habang hawak niya ang isang sachet at sumagot naman ang huli ng “Dalawang daan lang.” Mabilis na bumunot ng pera si Tubbali at inabot kay Perez ang pera kapalit ng isang sachet ng shabu sabay pakilala na alagad siya ng batas kayat naaresto ang mga ito. (Gemma Amargo-Garcia)

ANGELUZ PEREZ

ARNEL TUBBALI

CHRISTOPHER LLANES

CRUZ

GEMMA AMARGO-GARCIA

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

PEREZ

QUIRICADA ST.

TUBBALI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with