Pulis timbog sa kotong

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga ope­­ratiba ng Manila Po­lice District (MPD) ang isang traffic police ma­tapos itong maaktu­hang nangongotong ng hala­gang P20 sa isang truck driver sa isinagawang entrapment operation kama­­kalawa ng hapon sa Ermita, Maynila.

Nahaharap sa ka­song robbery extortion ang suspek na si SPO2 Carlos Sta. Ana ng Quiapo, Maynila mata­pos itong ireklamo ni Marlon Garcia, 45, ng Baseco Com­ pound Port Area, Manila.

Sa imbestigasyon, da­kong alas-4:45 ng hapon ng arestuhin ang suspek sa panulukan ng P. Burgos St. at Finance Road Ermita, Maynila.

Nakatanggap umano ng impormas­yon ang pulisya mula sa Manila City Hall tungkol sa gina­gawang pangongo­tong ni Sta. Ana sa mga duma­daang truck sa naturang lugar kayat kaagad nag­sa­­gawa ng entrapment operation laban dito.

Narekober naman mula kay Sta. Ana ang P20 marked money na ini­abot ni Garcia. (Gemma Amargo-Garcia at Ludy Bermudo)

Show comments