^

Metro

Not guilty plea inihain ng mga suspect

-

MANILA, Philippines - “Not guilty plea” ang inihain ng mga akusado sa pagpatay kay Ruby Rose Barrameda sa isinaga­wang arraignment sa Ma­labon City Regional Trial Court kahapon ng umaga.

Alas-8:30 ng umaga, kasama ni Atty. Manuel Jimenez Jr. ang kanyang abogadong si Mario Agui­naldo sa sala ni Judge Hector Almeyda ng RTC Branch 170 at naghain ito ng not guilty plea. Kasama ng matandang Jimenez sa kanyang pag­tungo sa korte ang mga escort mula sa kagawad ng Angono, Rizal Police sa pamumuno ni Supt. Rommel Estolano na doon siya sumuko.

Not guilty plea rin ang inihain ni Manuel Montero at kasama nito ang mga abogadong sina Howard Areza at Patrick Dureza. Si Jimenez ay sakay ng am­bulansya at naka-stretcher nang ipasok sa loob ng korte.

Kasalukuyan pa rin pi­nag­hahanap ang kapatid ni Jimenez na si Lope at sina Eric Fernandez, Spyke Des­calzo at Ro­berto Ponce na kasama rin sa mga kina­suhan. Tanging abogado la­mang ni Lope na si Atty. Paul Lentejas ang dumalo sa arraignment.

Samantala, hiniling ng pamilya Barrameda sa korte, mula sa Angono Rizal Hospital ay ilipat ang matandang Jimenez sa isang ospital sa Metro Manila. (Lordeth Bonilla)

ANGONO RIZAL HOSPITAL

CITY REGIONAL TRIAL COURT

ERIC FERNANDEZ

HOWARD AREZA

JIMENEZ

JUDGE HECTOR ALMEYDA

LORDETH BONILLA

MANUEL JIMENEZ JR.

MANUEL MONTERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with