^

Metro

13-anyos todas sa pamamalo ng ina

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang 13-anyos na batang lalake ang nasawi makaraang paghahata­win ng kahoy sa ulo at katawan ng sariling ina na nagalit matapos na umano’y putulin ng una ang kanilang kawad ng kuryente para gawing tanso at ibenta sa lung­sod Quezon, iniulat ka­hapon.

Dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang bikti­mang si Ronald Gonza­les, 13, 1st year high school, ng Kampupot St., Purok 17, Unit 5, Brgy. Commonwealth ng na­sabing lungsod.

Samantala, nakapiit naman sa tanggapan ng Quezon City Police Dis­trict-Criminal Invistigation & Detection Unit (QCPD-CIDU) ang suspek na si Salve Torno-Gonzales, 38, habang inihahanda ang kasong parricide laban dito.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang in­si­dente sa may loob mis­mo ng bahay ng pamilya Gonzales pasado alas-9 ng gabi.

Lasing umano nang umuwi sa kanilang bahay ang inang si Salve at naabutan nitong walang ilaw sa kanilang bahay. Nang tignan ni Salve ay nalaman nitong pinaki­alaman umano ng bina­tilyo ang kable ng ka­nilang kuryente na na­ging sanhi ng naturang pagdilim sa kanilang ka­ba­hayan, maging sa ka­nilang kapitbahay.

Sa galit kinuha ni Salve ang kanilang walis tambo saka pinuntahan ang natutulog nitong anak sa kuwarto saka wa­­lang humpay na pi­nag­papalo sa ulo at ka­tawan. Natigilan lang umano ang suspek sa kan­yang pambubugbog sa anak nang mamagitan na ang ilan nilang kapit­bahay.

Kahapon pasado alas-6 ng umaga nang mapuna nina Rhey at Racel ang kapatid na si Ronald na walang malay kung kaya agad nilang ipinagbigay alam ito sa tiya­hin at isinugod sa na­sabing pagamutan kung saan ito idineklarang pa­ tay ni Dr. Jomar Malana.

Dahil dito kung kaya’t nagpasya ang mga ka­anak ng mga biktima na ipaaresto sa pulisya ang ginang na nagsabing “Nagdilim ang paningin ko, hindi ko alam na ganun ang mangyayari,” bagay na hindi sinasang-ayunan ng awtoridad.

Sinasabing naga­wang putulin ng binatilyo ang kawad ng kanilang kuryente para gawing tanso at maibenta nang magkapera ito.

CRIMINAL INVISTIGATION

DETECTION UNIT

DR. JOMAR MALANA

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

KAMPUPOT ST.

QUEZON CITY POLICE DIS

RONALD GONZA

SALVE TORNO-GONZALES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with