Hindi nagbayad ng utang, tinaga

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi pagba­ba­yad ng utang, isang lalaki ang pinagtataga ng kanyang inutangan ka­ma­kalawa sa lungsod ng Caloocan. Nasa kritikal na kon­disyon at inoobserbahan sa Jose Rodriguez Hos­pital sanhi ng mga taga sa katawan si Raymundo Repomanta, 35, ng Ma­lanting St., Amparo Subd., ng lungsod na ito.

Arestado naman ang suspek na si Joventino Condeno Jr., 28, air-con techni­cian at kalugar ng biktima.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi sa ka­habaan ng Ma­lanting st., ng naturang lung­sod. Bago ang insi­dente ay sinisingil ng sus­pek sa utang ang biktima. Wala namang naiba­yad ang biktima na na­ging dahilan ng kanilang pagtatalo hanggang sa kumuha ng jungle bolo ang suspek at saka pi­nagtataga ang una. (Lordeth Bonilla)

Show comments