^

Metro

Intelligence officer tiklo sa paniniktik

-

MANILA, Philippines - Isa umanong intel­ligence officer ng Philip­pine Marines ang ina­resto kahapon ng umaga dahil sa umano’y paninik­tik sa tahanan ni National Artist for Literature Bien­venido Lumbera.

Sa ulat, nakilala ang suspek base sa identifi­cation card na si Cpl. Hannibal Guerrero, 27, enlisted AFP intelligence personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP), habang nakata­kas naman ang dalawa sa mga kasamahan nito.

Ayon sa ulat, ganap na alas-6 ng umaga nang mangyari ang insidente nang mapuna ng mga maids ni Lumbera ang tat­­long kalalakihan ha­bang nililitratuhan ang kanyang tahanan sa Ma­payapa 1 Subd., Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Dahil dito, nagpasya si Lumbera na tumawag ng security guard sa vil­lage na siyang umaresto sa sun­dalo at nakatakbo naman ang dalawang kasamahan nito.

Ikina­kat­wiran umano ng sus­pek sa security na in­tere­sado lang ito sa ba­kan­­teng lote katabi ng ba­hay ni Lumbera kung kaya kinukunan niya ng litrato.

Naalarma rin si Lum­bera sa insidente dahil sa hinalang may kaugnayan ito sa kontrobersiya tung­kol sa pagpili ng Mala­kan­yang bilang national artists. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

HANNIBAL GUERRERO

HOLY SPIRIT

LITERATURE BIEN

LUMBERA

NATIONAL ARTIST

QUEZON CITY

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with